May 5, 2024

GILAS PILIPINAS, PINAHANGA ANG COACH NG SERBIA DAHIL SA GANDA NG NILARO SA BELGRADE TILT

Humanga ang Filipino fans sa ipinakitang puso ng Gilas Pilipinas sa Belgrade meet sa Serbia. Ang nasabing torneo ay pasahe para sa 2021 FIBA Olympic Qualifying Tournament.

Pati ang head coach ng Serbia na si Igor Kokoskov ay bilib sa laro ng young Gilas. Aniya, nahirapan ang Eagles sa ipinamalas ng Gilas.

Kahit na natalo nila ito sa iskor na 83-76 sa laro na idinaos sa Aleksandar Nikolic Hall. Pinawisan si KokosKov sa muntikan nang upset sa kanila ng Gilas.

Katunayan, dumikit ang Gilas sa 74-73 kartada, may 3 minutes pang nalalabi sa regulasyon. Ngunit, naging maingat ang Serbia. Bumira sila ng 10-0 run hangang sa matapos ang laro.

We’d like to congratulate the Philippine team for playing really well, playing together as a unit, ani former Phoenix Suns chief shot-caller.

Coach Baldwin is doing a great job, a dear friend of mine. I think he’s doing an awesome job and I’m happy for him,” aniya.

First of all, congratulations to the Philippines. They played a really good game tonight,” ani Danilo Andjusic ng Serbia na bumuslo ng 12 points.