May 14, 2024

GERALD ANDERSON, WALA NGA BANG PLANONG MAGDEMANDA SA REPORTER NA NAGKALAT NA NAKABUNTIS SIYA?

Tahimik ang kampo ni Gerald Anderson at mukhang ayaw niyang makisawsaw sa latest isyu na ikinalat ni Jay Sonza sa social media na nakabuntis siya.

Natawa na lamang ang actor, nang makarating sa kanya ang isyung nabuntis niya si Julia Barretto. Nang malaman nga niyang si Mr. Jay Sonza ang nagkalat ng maling balita. Sumama rin ang loob niya, dahil fake news ito.

Kaysa ma-stress pa siya ay mas mimabuti niyang huwag na lang patulan ang nasabing isyu. Pinabulaanan na lang niya na hindi totoong siya ay isa nang ganap na magulang.