April 27, 2024

Game 6, naipuwersa ng Miami Heat sa pag-ihaw sa Lakers, 111-108 sa Game 5 ng NBA finals

Naipuwersa ng Miami Heat ang laro sa Game 6 nang makalusot sa intense Game 5 ng NBA finals. Pinigil ng Heat ang nakatakda sanang selebrasyon ng Los Angeles Lakers, 111-108.

Kung kaya, buhay pa ang pag-asa ng Heat sa series ,3-2. Bumida si Jimmy Butler sa panalo ng Miami sa paglista ng 35 points, 12 boards at 11 assists.

Impresibo rin ang performance ni Butler  sa pagtatala ng  triple-double. Nag-ambag naman si Duncan Robinson sa pagtala ng 26 points, 5 boards at 2 assists.

Kumamada naman si LeBron James para sa Lakers ng 40 points. Nag-ambag naman si Anthony Davis ng 28 points, 12 boads at 3 assists

 “We just played hard,” ani Butler.

We got where we wanted to on offense, shared the ball like we always do.”

”This is a game of runs – I think we withstood there,” aniya.

Naging dikit ang laban sa pag-umpisa ng laro. Ngunit, kumawala ang Heat at lumamang ng 11 points.

Gayunman, inalagaan ng Heat ang lamang sa kabila ng 7 lead changes. Nakalamang Lakers, 97-96, may 6:18 remaining sa regulation.

“It was all about getting stops, getting what we wanted on offense,” saad pa ni Butler.

“This one, it was a little bit of luck that Danny Green missed that one at the top of the key.”

Mag tsansa pa sanang manalo ang Lakers kung nasalpak ni Danny Green ang tres. Nakuha ni Markieff Morris ang rebound. Ngunit, nagresulta lamang ito sa turnover.

Ang Game 6 ay idaraos sa Lunes (PH time/9:00AM).