May 16, 2024

Frontliners, mabibiyayaan ng P100 sa bawat points sa last-2 minutes

CLARK FREEPORT – Tiyak na matutuwa ang mga frontliners sa ginawang hakbang ng PBA bubble.

Sa pamamagitan ng ‘Alagang PBA’, magbibigay ang liga ng P100 sa mga frontliners. Ito ay sa bawat point na mabubuslo sa last two minutes ng bawat laro ng 45th Philippine Cup.

Mayroong 66 games sa elimination round. Mayroong 14 games ang naka-set na lalaruin sa playoffs. Ito ay magtatagal sa kalagitnaan ng December.

Kamakailan, nagdaos ang liga ng first-ever Virtual Three-Point Shootout charity tournament. Kung saan si TNT rookie Kib Montalbo ang nagwagi rito.

Dinaig nito si Robbie Herndon ng Alaska at John Pinto of Meralco sa finals. to earn the

Si Montalbo ay mayroong plantar fasciitis injury ay nagbulsa ng P250,000 grand prize. Ang premyo ay ipagkakaloob niya sa napiling charity.