May 18, 2024

Friends lang daw sila… SEN. WIN, DEDMA SA CONVO ISYU NINA BIANCA AT ROB

DAMING nag-react sa convo issue na iyan nina Bianca Manalo at Rob Gomez, iyong iba hinusgahan na nila si Bianca at Rob. May nagsabi pang hindi pa sila kinakasal ni Sen. Win, ay iniiputan na niya ang senador.

“Pero hindi naman pala na niniwala si Sen. Win Gatchalian dahil ayon sa senador fake news ang kumalat na isyu. Kaya kapag tinatanong ito sa convo issue, no comment na lang ang lagi niyang sagot.

“Sana raw tigilan na nila si Bianca, dahil ang totoo magkaibigan lang ang dalawa. Isa pa malaki ang tiwala ni Sen. Win sa kanyang girlfriend, kaya hindi niya ito pinagdududahan. Sana raw tigilan na nila ang pagpapakalat ng fake news kay Bianca,” kwento pa ng aking source.