May 4, 2024

FAR EASTERN UNIVERSITY, KINAMADA ANG 2-VISAYAS-BASED RECRUITS SA LADY TAMARAWS

Kinamada ng Far Eastern University sa kanilang UAAP women’s volleyball roster ang 2 Visayas-based recruits. Ito ay sina Kiesha Bedonia at Ann Monares.


Si Monares ay Bacolod City native na nagpahayag ng kanyang paghahanda sa UAAP Season 84. Haharapin niya rin umano ang pressure sa liga. Hindi rin niya umano sasayangin ang oportunidad na ibinigay sa kanya.


“ It is an honor to wear the colors of FEU and I am taking this chance to reach my goals as a student-athlete and as a daughter,” ani Monares. Siya ay former standout din ng St. Joseph School-La Salle. Matapos nito ay lumipat na siya sa Bacolod Tay Tung. Sa nasabing paaralan din naglaro si Bedonia.


I also look forward to improve my game with the guidance of the FEU coaches,” aniya.