Matinding pinsala sa katawan na tugma sa pagkahulog ang ikinamatay ng dating Department of Public Works and Highways (DPWH) undersecretary na si Maria Catalina “Cathy” Cabral, ayon sa autopsy report na inilabas ng pulisya nitong Sabado, Disyembre 20.
Base sa ulat ng Philippine National Police (PNP), tumagal ng mahigit tatlong oras ang autopsy na isinagawa mula alas-12:02 ng madaling araw hanggang alas-3:45 ng umaga. Layunin ng pagsusuri na linawin ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng dating opisyal na nasangkot sa kontrobersiyal na budget insertions sa DPWH.
Ayon kay Benguet Police Provincial Director Police Colonel Lambert Suerte, pumayag na rin sa wakas ang pamilya ni Cabral na isailalim sa autopsy ang kanyang mga labi matapos ang masusing konsultasyon. Ang pahintulot ay ibinigay ng kanyang asawang si Cesar Cabral, sa presensya pa ng tatlong abogado.

“Matapos ang konsultasyon ng pamilya, ibinigay ang pahintulot at sinunod namin ang lahat ng legal at procedural requirements,” ani Suerte.
Kinumpirma rin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla ang pagsang-ayon ng pamilya sa isinagawang autopsy.
Si Cabral ay natagpuang walang malay sa Benguet noong Huwebes, Disyembre 18, at idineklarang patay bandang alas-12:03 ng madaling araw ng Biyernes, Disyembre 19, makaraang marekober ng mga awtoridad ang kanyang katawan.
Una nang tumanggi ang pamilya ni Cabral sa autopsy, bagay na nagdulot ng mga tanong at haka-haka. Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, kinakailangang ipaliwanag sa pamilya ang legal na obligasyon ng awtopsiya, lalo na’t kahina-hinala ang pagkamatay.
Mariing iginiit ni Remulla na hindi maaaring palampasin ang autopsy, upang matukoy ang tunay na pangyayari at tuluyang maalis — o mapatibay — ang anggulo ng foul play.
Samantala, iginiit din ng Office of the Ombudsman na sa ilalim ng DOJ Circular No. 13, series of 2023, awtomatikong mandatory ang autopsy sa mga kaso ng marahas o kahina-hinalang pagkamatay.
“May malinaw na patakaran sa automatic autopsy para sa ganitong klase ng kaso,” ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano.
Bilang tugon, bumuo na rin ang Cordillera Administrative Region ng Special Investigation Task Group (SITG) ‘Cabral’ upang tutukan ang kaso. Kasama sa grupo ang mga imbestigador, crime laboratory experts, at field operatives na maghuhukay sa lahat ng posibleng anggulo sa likod ng misteryosong pagkamatay ng dating mataas na opisyal ng DPWH.