Pinangunahan ni P/Maj. Randy Llanderal, Assistant Chief of Police for Operation (ACOPO) na siyang tumayong negosyador ang pagresponde sa lugar habang si City Fire Marshal F/Supt. Ma. Theresa Alqueza naman sa panig ng Bignay Fire Station ang tumugon sa rescue operation.
Nang magpamalas na ng pagkabalisa ang binatilyo pilit siyang pinakalma ni Maj. Llanderal at malumanay na sinabihang mahal siya ng kanyang mga magulang at hinihintay na ang kanyang pag-uwi.
Nang bahagyang kumalma ang binatilyo, palihim na lumapit at umakyat si P/SSg Mark Tiu ng Police Detective Unit sa kinatatayuan ng bata at nang makatiyempo, hinawakan at kinabig niya ang kamay habang nakaalalay naman si Pat Ian Capangyarihan at mga tauhan ng BFP na silang sumalo sa bata.
Matapos ang rescue operation ala-1:11 ng hapon, kaagad na sinuri ng Emergency Medical Services ang kalagayan ng binatilyo bago siya dinala sa Barangay Social Welfare and Development Office (BSWD) upang mapangalagaan.
Nagpasasalamat naman ng mga magulang ng estudyante sa pulisya at BFP sa pagkakaligtas sa buhay ng kanilang anak na hinihinalang dumaranas ng depresyon sa hindi na tinukoy na dahilan. (JUVY LUCERO)
