WAKAS NA NGA para kina Elysse Joson at McCoy De Leon! Kinumpirma ng showbiz couple nitong Hulyo 25 na tuluyan na silang naghiwalay — muli.
Sa isang sabay na pahayag sa social media, sinabi ng dalawa na pinilit nilang ipaglaban ang relasyon pero dumating na sa punto na kailangan na nilang bitawan ang isa’t isa.
“No need for speculations, no assumptions,” saad ng mag-ex sa kanilang joint statement. “Hindi naging madali para sa amin ito. Ang hiling lang namin ay kaunting kabaitan at respeto, lalo na’t ang kwento naming ito ay maaaring makaapekto sa pananaw ng aming anak sa pag-ibig, pamilya, at pagbitaw.”
Hindi man ikinasal, may anak ang dalawa — si Felize, na isinilang noong Abril 2021.
Unang nagkakilala sina Elysse at McCoy sa Pinoy Big Brother noong 2016. Nag-break noong 2018, nagkabalikan sa 2020, pero muli ring naghiwalay sa 2023. Sa kabila ng lahat, umasa pa rin ang mga fans sa “forever” ng dalawa — pero mukhang tapos na talaga ang love story ng McLysse.
Hindi pa malinaw kung ano ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan, pero tila desidido na ang parehong kampo na tuldukan ang rollercoaster nilang relasyon.
Abangan kung may next chapter pa sa kwento ng dating PBB housemates o kung ito na ang kanilang last goodbye.
