May 20, 2024

Efren ‘Bata’ Reyes, niregaluhan ng artwork ng kanyang 19-anyos na fan

Isang espesyal na regaling obra ang natanggap ni billiard legend Efren ‘Bata’ Reyes. Ang masterpiece ay mula kay John Marko David Dadulo.

Iniidolo ni Dadulo ang binasagang ‘The Magician’ sa larangan ng billiards. Anioya, gumugol ng tatlong buwan bago natapos ang charcoal portrait.

Ito ay may sukat sa 30 x 20 inches paper. Sa kanyang Facebook post, inapakitang masaya niyang inabot kay Reyes ang pinta.

Dream come true rin para sa 19-anyos na binata na ma-emeet ang kanyang idol.

 “Bata pa lang po ako, idol ko na po si sir Efren,” ani Dadulo sa isang online exchange.

Napahanga po ako sa parang magic na style niya sa laro at napaka-humble niyang tao. Siya po ‘yung taong walang haters.”

Sa Dadulo ay isang freshmen sa Don Honorio Ventura State University sa Mexico, Pampanga. Kung saan, kasama siya sa basketball varsity team ng eskwelahan.