Isang malaking hakbang tungo sa pagbabago ng mga dating lugar ng tunggalian ang isinagawa ng Department of Science and Technology (DOST) SOCCSKSARGEN matapos ang sunod-sunod na “Camp Visitation at Comprehensive Assessment” sa mga priority areas sa Mindanao mula Abril 27 hanggang Mayo 4, 2026.
Sa ilalim ng direksyon ni Regional Director Engr. Sammy P. Malawan at pakikipagtulungan sa Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU), layunin ng aktibidad na i-transform ang mga dating conflict-affected communities tungo sa pagiging “development-ready” na mga lugar sa pamamagitan ng siyensya at teknolohiya.
Bahagi ito ng komitment ng gobyerno sa Normalization Track ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).
Binisita ng Project Management Team (PMT) ang anim na kilalang kampo upang suriin ang kalagayan at potensyal ng mga ito na kinabibilangan ng Camp Bader sa Guindulungan, Maguindanao del Sur; Camp Abubakar sa Matanog, Maguindanao del Norte; Camp Omar sa Ampatuan, Maguindanao del Sur; Camp Rajahmuda sa Mangudadatu, Maguindanao del Sur; Camp Bushra sa Butig, Lanao del Sur; at Camp Bilal sa Tangcal, Lanao del Norte.
Hindi lamang inspeksyon ang naganap kundi isang estratehikong pag-aaral para sa mga posibleng livelihood at agricultural interventions.
Sinuri ng DOST ang kakayahan ng mga lugar para sa agrikultura gaya ng Halal goat at ZamPen Native Chicken production, crop at aquaculture systems.
Kasama rin sa ebalwasyon ang aspeto ng digital at edukasyon sa pamamagitan ng paglalagay ng STARBOOKS (digital library) at mga solar installation, habang sa enterprise naman ay tinitingnan ang dressmaking, handloom weaving, at food processing technologies.
Ayon sa DOST, ang Science for Peace Program ay nagsisilbing plataporma upang dalhin ang inobasyon sa mga komunidad na dati ay hirap maabot ng serbisyo.
Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga Local Government Units (LGUs) at community leaders, sinisiguro na ang mga proyekto ay “culturally sensitive” at angkop sa pangangailangan ng mga residente.
Sa hakbang na ito, muling pinagtibay ng DOST SOCCSKSARGEN ang kanilang pangako na walang komunidad ang maiiwan sa hangarin para sa permanenteng kapayapaan at progresibong Mindanao.