April 30, 2024

‘Di welcome si Dj… KATHRYN BERNARDO, MAS-WELCOME SI ALDEN RICHARDS SA BAGO NIYANG BAHAY

ANG ganda ng bagong bahay ni Kathryn Bernado, nang blessings nga ng bago niyang bahay ay dumating si Alden Richards.

Tanggap na tanggap ng pamilya Bernardo si Alden Richards, bukod kasi sa guwapo ay mabait at napaka-gentleman nito kaya gusto siya ng pamilya Bernardo.

“Ayaw ng pamilya Bernardo kay DJ, hindi na nga ito welcome sa nasabing blessings ng bahay. Me-banggit ay hindi ito sumagi sa kanilang isipan, more on positive topic lang sila.

“Masaya si Kathryn Bernado, dahil natupad na rin sa wakas iyong pangarap niyang bahay na maipatayo para sa kanyang pamilya.

“Dati ang isa sa saksi sa pundasyon ng bahay ay si Daniel Padilla, pero nang ito’y itatayo at napatapos na ang saksi naman ay si Alden Richards.

“How sad kung baga, goodbye Daniel at welcome Alden. Maganda at maaliwalas ang bagong bahay ni Kathryn Bernado, kaya naman puros positive energy lamang ang pinapasok ng Bernardo family sa bago nilang bahay,” masayang kwento ni Miss. Bubuwit na aking source.