April 30, 2024

Dahil sa kontrabidang nanay… BEA ALONZO AT DOMINIC ROQUE, MALABONG MAGKABALIKAN

BINURA na ni Bea Alonzo, ang lahat ng photo na kasama niya si Dominic Roque sa kanyang Instagram, video at sa kanyang mga post.

“Wala na talagang balikang pang magaganap kahit minahal pa ni Bea si Dominic. Ang rason kasi ay kontrabida ang ina ni Bea na si Ms. Mary Anne Ranollo.

“Ina ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasalang Dominic at Bea? Talagang ayaw ni Mommy Mary Anne kay Dominic. Hindi tanggap ng ina ni Bea si Dominic, kahit mahal pa ito ni Bea Alonzo.

“Dahil masunuring anak si Bea, mas pinili niya ang kanyang ina at sinakripisyo na lamang niya ang kanyang buhay pag-ibig. Isa na namang ina ang dahilan kung bakit hindi na tuloy ang kasalang Dominic at Bea,” nakangiwing pahayag ni Miss. Bubuwit na aking source.