Rumekta si Phoenix Suns star guard Devin Booker sa NBA’s health and safety protocols, ayon sa ulat ng team. Kung kaya, di ito makakasama sa pre-camp media day ng Suns. Gayundin sa pagsisimula ng kanilang training camp.
Ang pagpasok ni Booker sa league’s health and safety protocols ay di biro. Maaari kasing nagpositibo siya sa COVID-19.
‘O kaya naman ay may nakasalamuha na infected ng virus. Hindi pa kumpirmado ng ilang ulat kung nakatanggap na ba ng bakuna ang 2-time all-star shooting guard ng Phoenix.
More Stories
OLYMPIC HOPEFUL UBAS PAKITANG GILAS SA ITCSI PAC
SBA POOL PROFESSIONAL LEAGUE INILUNSAD NG SHARKS SA QC
MPBL: DAVAO OCC. COCOLIFE NATAKASAN ANG BATAAN, 90-89