April 27, 2024

Denver Nuggets, pinilipit ng Los Angeles Clippers

Bumuslo ng 29 puntos si Kawhi Leonard dahilan upang ipitin ng Los Angeles Clippers ang Denver Nuggets sa Western Conference semifinals,120-97.

Nag-ambag naman si 19 puntos si Paul George at Marcus Morris ng 18 points. Naging factor ng Clippers ang malabnaw na opensa ng Nuggets. Naglista lamang ng 42% ang Nuggets mula sa field.

Sa panig naman ng Denver, nagtala lamang ng 15 points si Nikola Jokic. Sinabi naman ni Nuggets coach na si Michael Malone na ang kakulangan sa ensayo ang rason. Iyon aniya ang dahilan kung bakit natalo sila sa Game 1.

Their last game was Sunday. We had our last game on Tuesday night and didn’t get back to the hotel until after midnight. … We were tired. Tomorrow we will get them as much as rest as we can and have a more energetic performance Saturday night,” ani Malone.

Nagtala naman si Jamal Murray ng 12 points sa 5-for-15 shooting. Nakaungos ang Nuggets sa 38-20, upang lumamang sa halftime, 69-51.

Patuloy pang nakaungos ang Clippers sa third quarter. Kung saan, ipinako nito sa 16 points ang Nuggets. Nakaungos ang Clippers sa 91-67 lead pagsapit ng fourth quarter.