May 9, 2024

Boston Celtics, nilapa ng Toronto Raptors

Nakatakas sa pagkakabaon sana sa 0-3 deficit sa series ng Eastern Conference ang Toronto Raptors kontra Boston Celtics.

Nilapa ng Raptors ang Celtics sa iskor na 104-103 sa Game 3 ng kanilang match-up. Nanguna si Kyle Lowry ng 31 puntos, 8 assists at 6 rebounds.

We scrapped and clawed and fought,” wika ni Lowry. “We never quit.”

Naglista naman si Fred VanVleet ng 25 points. Nag-ambag naman si Paskal Siakam ng 16 at 12 puntos naman ang inambag ni OG Anunoby.

Kumamada naman si Kemba Walker ng 29 points.Jaylen Brown ng 19 points at 12 rebounds.Habang naglista naman si Jayson Tatum ng 15 puntos, 9 rebounds at 6 assists.

Malaking bagay din ang ginawang 3-pointer buzzer beater ni OG Anunoby. Kaya naman, naibuslo ng Raptors ang panalo.