May 9, 2024

DATING TEEN STAR NA SI RICKY RIVERO, PUMANAW NA

Courtesy: Ricky Rivero/FB

KINUMPIRMA ng kanyang boyfriend ang pagpanaw ng dating teen star na naging actor-filmmaker sa Facebook ngayong araw, gayunpaman, burado na o maaring ginawa ng pribado ang naturang post habang tinitipa ang balitang ito.

“Good morning po sa inyong lahat. Maraming salamat po sa tumulong sa asawa ko na [si] Ricky. Ngayon wala na po si Ricky S Rivero namayapa na po,” mababasa sa post. “Maraming salamat sa walang sawang tulong sa asawa ko.

Sa sumunod na post ng partner ng actor-filmmaker, ibinahagi nito ang kanilang larawan na magkasama, kung saan pinasalamatan niya si Rivero para sa isang taong pagmamahal.

Matatandaan na isinugod si Rivero sa Philppine Hearh Center noong Mayo matapos tamaan ng stroke, ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal.

Nagsimula ang showbiz career ni Rivero bilang isang child actor, kung saan bumida siya sa palabas na Ninja Kids at Samurai Sword. Naging mainstay host din siya sa “That’s Entertainment” mula 1986 hanggang 1996.


The filmmaker, who’s best known for his appearance on the variety show “That’s Entertainment,” is best known for his films “Eva Fonda” and “D’ Aswang Slayerz.”