May 16, 2024

Dapat daw pataubin ang kalabang show… VICE GANDA, NA PRESSURE SA 3 BUWANG PALUGIT NG GMA-7

KUNG totoong 3 buwang palugit ang ibinigay kay Vice Ganda, para pataubin ng ‘It’s Showtime’ ang ‘Eat Bulaga’ ng TVJ ay nakaka-pressure talaga.

“Sana manlang 1 year ang ibinigay nilang palugit, hindi naman talaga sapat iyong 3 buwan na palugit.  

“Pero gagawin daw ng staff ng ‘It’s Showtime,’ na mapaganda ang kanilang show. Pero kayanin naman kaya nila na pataubin ang show ng TVJ na ‘Eat Bulaga?’

“Grabe daw ang Executives ng GMA-7, sa trato nila kay Vice. Hindi kaya iyan ang ganti kay Vice, dahil todo ang paninira niya sa GMA-7 noon o baka malaki lang talaga ang tiwala sa kanya ng Kapuso TV Network,” lahad pa ni Miss. Bubuwit na aking source.