May 18, 2024

KATHRYN BERNARDO, ‘DI SINIPOT CONTRACT SIGNING NG KATHNIEL BILANG ENDORSER NG SHAWARMA SHACK

TALAGANG umiiwas na itong si Kathryn Bernado, sa dati niyang boyfriend na si Daniel Padilla.

Pati contract signing ng KathNiel loveteam bilang endorser ng Shawarma Shack, hindi niya sinipot.

“Mukhang malabo ng mag-renew ng kontrata si Kathryn Bernado, talagang gusto na niyang mabuwag ang loveteam nila ni Daniel Padilla na KathNiel.

“Ang balita ay may natapat na event sa nasabing contract signing ng KathNiel loveteam, kaya mag-isang pumirma ng kontrata si Daniel Padilla na ikinalungkot ng kanyang mga fans.” Kwento pa ni Miss. Bubuwit na aking source.