May 2, 2024

‘Di pa napapatawad… JESSICA SOHO, DEDMA PA RIN SA GUESTING NI VICE GANDA SA ‘KAPUSO MO JESSICA SOHO’

ANG nasagap naming balita mula sa aming source na si Miss. Bubuwit, sa ngayon ay malabo pa raw na pagbigyan ni Jessica Soho ang hiling ni Vice Ganda na maging guest siya sa ‘Kapuso Mo Jessica Soho.’

“Sobra kasing panlalait at pambabastos ang ginawa ni Vice Ganda kay Jessica Soho. Ang masakit pa ay ng mawalan sila ng prangkisa, grabeng bira ang ginawa niya sa GMA-7, ngayon ay nasa ilalim na ang show niya sa GMA-7.

“Siguro ang dapat gawin ni Vice, ipagdasal na lamang niya sa Dios na magkaroon ng time na magkita sila para magka-ayos. Pero sa ngayon, never talagang banggitin ang pangalan ni Vice sa kampo ni Jessica Soho.” Chika pa ni Miss. Bubuwit na aking source.