May 18, 2024

DANIEL PADILLA, PINABABAAN ANG PRESYO NG KANYANG CONCERT TICKETS

Sa October 11, Sunday, gaganapin ang ‘Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience.’ Ito ang magiging first digital concert ni Daniel at dahil mahal niya ang kanyang mga fans, binabaan niya ang mga ticket prices nito para marami sa kanila ang makanood.

Busy ang grupo ni DJ at siya pa mismo ang nangangasiwa sa mga kailangang mga piyesa para sa mga kakantahin niya. All out ang pamamahala niya sa kanyang production house, Johnny Moonlight, kaya tiyak daw na maganda ang kalalabasan ng kanyang music show.

Kahit may pandemya, patuloy pa rin ang singer/actor sa pagbibigay saya sa kanyang mga tagahanga kaya sana raw ay huwag natin kalimutan ang kanyang first digital concert sa parating na Linggo.