May 18, 2024

DANIEL PADILLA, CHEATER AT BOO ANG SIGAW NG MADLANG PIPOL SA KANYANG ACCEPTANCE SPEECH SA ASIA ARTIST AWARD

HINDI naman bastos ang mga manonood ng Asia Artist Award 2023 naging bastos Lang sila ng si Daniel Padilla na ang binigyan ng award. Nagsigawan ng boo at cheater ang mga manonood. Kaya sa halip na mahaba iyong acceptance speech ni Daniel ay tinapos na niya agad ito, at tumawa na lang.

“Dama pa rin hanggang ngayon ang galit ng mga tao sa pagiging cheater nito, kaya siya sinigawan ng boo ng madlang pipol.

“Masakit ang hagupit sa kanya ng taong bayan, halos nakakarami ang ayaw sa pagiging cheater niya.

“Kahit apektado si Deej, hindi ito nagpahalata at sa halip ay dinaan na lamang niya sa pagtawa ang lahat. Marunong magkunwari si Daniel, sa sakit na gawa rin naman niya,” lahad pa ng aking source.