May 19, 2024

DAHIL SA TULONG NI RAFFY TULFO: DONITA NOSE, NAKALABAS NA NG HOSPITAL

ANG stand-up comedian-TV host na si Donita Nose [Rodello Juntos Solano sa totoong buhay] ay nakalabas na ng hospital. Umabot sa 400K ang babayaran niya, na inako naman ni Mr. Raffy Tulfo ang pagbabayad sa hospital bill ni Donita.

“Laki ng pasasalamat ko kay Sir. Raffy Tulfo, kasi siya ang umako na bayaran ang aking hospital bill na umabot sa halagang P400,000.00. Saan ako kukuha ng ganuong halaga? Gumaling nga ako sa Covid-19, sa utang naman sa hospital ako ma-stress at matigok. Buti na lang may umakong magbayad,” chika pa ni Donita Nose.

Pero hindi pa siya makababalik sa “Wowowin” ni Kuya Willie Revillame, dahil kailangan pa niyang magpa-quarantine ng 14 days sa kanyang bahay. Isinusulong ngayon ni Donita Nose, sa kanyang pangangampanya na hindi dapat ma-discriminate sa lipunan ang gaya niyang nag-positibo sa COVID-19. Dahil biktima lamang sila ng pandemya na, hindi naman nila ito ginusto.