May 19, 2024

SABI NI POKWANG, LAGING TATANDAAN MAY PERA SA BASURA

SINAGOT ni Pokwang ang basher na hindi gusto ang bagong show nila nina Pauleen Luna, Ria Atayde at Pokwang na may titulong ‘Rise And Shine’ na produced ng Archangel Productions at dinirek ni Mike Tuviera. Sa August 17 na ang airing ng nasabing talk show sa TV5. Sinagot ni Pokwang ang banat ng basher, na para sa kanya ay isang basura ang talk show nina Pauleen, Ria at Pokwang.

“Pagmasdan mo paligid mo, iho, may virus na kumikitil ng buhay, may mga taong nawalan ng trabaho, may mga sumasabog na bulkan at mga nagugutom. Be grateful, iho, kasi malusog ka at may oras ngumiti at iyon ang layunin ng mga shows na basurang sinasabi mo…” saad pa ni Pokwang.

Opinyon lang naman iyon ng basher, pero laging tatandaan na may pera sa basura. Kaya hindi porke basura, ay wala na itong halaga sa lipunan. Hindi naman nagpa-apekto si Pokwang sa banat ng basher, dahil nasanay na raw siya sa mga ganoong klase ng banat.

Sa ngayon ay masayang-masaya si Pokwang, dahil makakatrabaho niya sina Pauleen Luna at Pia Atayde. At good sign ito para sa kanyang career, dahil kahit may pandemia ay may project na dumating sa kanya.