May 17, 2024

DANIEL AT KATHRYN, RESPETO SA ISA’T ISA ANG PINAIRAL

NAGING matatag ang pag-iibigan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Kahit mga bata pa sila ay hindi nila itinago ang kanilang mga nararamdaman sa isa’t isa. Hanggang dumating na sila sa tamang idad, at napanatili nila ang kanilang magandang relasyon bilang magkasintahan.

Dahil sa maganda ang pagpapalaki sa kanila ng kanilang mga magulang, hindi sila naging sakit ng ulo ng mga ito. Napanatili nilang matibay ang kanilang relasyon bilang magkasintahan, kaya naman tanggap na tanggap sila ng kanilang mga magulang.

“Iyong samahan o pag-iibigan naming dalawa, kontento na kami sa ganuong sitwasyon. Basta ang mahalaga sa amin ay open kami pati na rin sa aming pamilya. Hindi namin inisip na mag-live in, dahil hindi naman namin iyon kailangan. Nirerespeto ko si Kathryn Bernardo, kaya hindi kami pumunta sa ganuong sitwasyon,” chika pa ni Daniel Padilla.

Sabagay may katwiran si Daniel. Kung nag-live in sila tiyak maraming mga project ang mawawala sa kanila. At maaapektuhan ang kanilang mga showbiz career ni Kathryn Bernardo.