May 18, 2024

CONSTRUCTION WORKER NAHULIHAN NG SHABU AT BARIL SA LAS PIÑAS

Arestado ang isang construction worker matapos mahulihan ng shabu at baril sa Daang Reyna Avenue, Brgy Almanza 2, Las Piñas City.

Kinilala ang suspek na si Mark Magaway, 26, construction worker, residente ng Carnation St., TS Cruz Subdivision sa nabanggit na lugar.

Sa report ng Southern police nagsagawa ng Oplan Sita ang Las Piñas police nang mamataan ang suspek na walang suot na helmet.

Nang sitahin na si Magaway ay nakuha mula dito ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Bukod dito nakuha din mula sa pag-iingat ng suspek ang isang hindi pa batid na kalibre ng baril at apat na bala. (Balita ni RUDY MABANAG)