Siyam na pamilya ang nawalan ng tirahan matapos tupukin ng apoy ang isang tatlong palapag na bahay at madamay ang katabing tahanan sa Lino Type, Barangay San Antonio, Parañaque City.
Personal na binisita ni Cong. Brian Yamsuan ang mga pamilyang naapektuhan upang magpaabot ng relief goods para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, pati na rin ng tulong pinansyal para magsilbing paunang suporta sa kanilang muling pagbangon.
“Mahirap mawalan ng tahanan, pero mas magaan ang pagbangon kung may karamay,” pahayag ni Cong. Yamsuan.
Tiniyak din ng mambabatas na patuloy niyang kakaagapayan ang mga residenteng nasalanta upang matulungan silang makatayo muli sa gitna ng kinakaharap na pagsubok.
