NANAWAGAN si Navotas Representative Toby Tiangco kay Cong. Garbin na huwag umanong ilihis ang isyu hinggil sa insertion.
“I could not have made any insertion kasi hindi ako member ng Bicam. P529M was the amount approved in the Bicam from the requests for additional funding for Navotas. All I can do is make a request and the Bicam decides,” ayon kay Tiangco.
“So hindi ba mas lalong nakapagtataka kung bakit si Zaldy Co was able to insert P13,803,693,000 to some districts that did not even ask for it? Dagdag pa dito papaanong nakapaginsert ang Ako Bicol partylist ng P2,295,000,000 at ang BHW naman ng P2,064,000,000 samantalang ang limit ng ibang partylists ay P100 to P150 million lang?” dagdag niya.
“Navotas lies downstream of the Tullahan River and is below sea level during high tide. Ibig sabihin, ang tubig ng high tide mula dagat at ilog ay mas mataas kaysa sa lupa ng Navotas. Therefore, flooding is really the number one issue that needs to be addressed,” aniya.
Kaya napaka-importante aniya ng flood control projects dahil apektado ng baha ang maraming aspeto ng buhay—kaligtasan, kalusugan, kabuhayan, edukasyon, at negosyo ng bawat Navoteño.
“Openly naman po natin sinasabi sa ating mga kababayan na hihingan natin ng pondo sa National Government ang flood control projects. Hindi po ito sikreto. Pero dahil limitado rin ang pondo ng National Government, taon-taon ay partial ang pagpopondo kaya phase by phase ang pag-release ng budget,” dagdag niya.
Sinabi pa Tiangco, “Ang paggawa ng Program of Works at ang pagbi-bid ng mga projects ay hindi saklaw ng aking tanggapan, at yan ay bagay na never ko pinapakialaman. I dont even ask DPWH kung sino ang nanalong bidders sa mga project. In fact, the first time I asked the District Engineer (DE) was nung lumabas yung Top 15 contractors to check if meron projects ang mga yun sa Navotas”.
“The second time was to ask kung sure ba siya na okay lahat ng projects ng lahat ng contractors even those na hindi kasama sa top 15 na nabanggit ng pangulo and the DE confirmed na okay lahat. At kung may matuklasan akong kalokohan sa projects ako ang unang-unang magrereklamo. Anong mapapala ko dyan, hindi naman ako Congtractor?” dagdag niya. (JUVY LUCERO)
