May 17, 2024

CONG. PULONG, BAGONG CHAIR NG ACCOUNTS SA KONGRESO

SA kabila ng katatapos lang na hindi pagkakaunawaan sa Kongreso sa usapin ng posisyon para sa House Speaker sa Kongreso, nanumbalik ito sa kaayusan upang mapabilis ang pag-apruba sa budget hearing na kinakailangan ng bansa sa lalong madaling panahon.

Sa pagbubukas ng Special Session na inatas ng Pangulo Rodrigo Duterte, nagtuloy-tuloy na ang trabaho sa Kamara.

Samantala, na-appoint din Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte bilang bagong chairperson ng House Committee on Accounts, na dating pwesto ni Cavite Rep. Abraham Tolentino.

Patuloy ang puspusan na pagtatrabaho ni Rep. Duterte sa 18th Congress na siyang kinatutuwa ng nakakarami.

Nauna na itong kinaibigan ng mga nurses sa private sectors nang ihain ng mambabatas ang House Bill No. 7569 o “Minimum Wage for Nurses in the Private Sector Act of 2020.”

“Trabaho lang tayo. Ano man ang dumating. Focus ko ay laging nasa mamamayan at bansa,” maikling pahayag ng anak ng Pangulo ng bansa.