April 27, 2024

Clippers, nilunod ng Lakers sa opening ng NBA restart

LAKE BUENAVISTA,Fla (AP)—  Nakalusot ang Los Angeles Lakers, 103-101 sa intense game nila ng Los Angeles Clippers sa second game ng opening ng NBA restart.

Kumamada si Anthony Davis ng 34 puntos at 8 rebounds para sa Lakers. Nag-ambag naman ng 16 points si Kyle Kuzma.

‘It felt like a real game to me, two teams battling. Can’t complain for the first game,” ani Davis,

Bumida naman sa last seconds si LeBron James. Nakuha nito ang offensive rebound nang sumablay sa kanyang midrange shot. Naibuslo nito ang putback,may 12.8 seconds na lamang sa regulation.

Ang tira ni James ang kumawala sa Lakers mula sa tablang 101-101 all.  Hindi naman nai-shoot ni Paul George ang tres mula sa pasa ni Kawhi Leonard.

Nagtala si James ng 16 points, 11 rebounds at 7 assists.

Sa unang quarter ay lumamang ang Lakers. Ngunit, pagsapit ng second quarter, Clippers na ang lamang. Pagdating naman ng second half, humabol ang Lakers via 36-14 run. Dahilan upang lumamang uli sa laro.

Nagtala naman ng 30 points si George at 28 naman ang inambag ni Leonard  para sa Clippers.