May 4, 2024

Chicago Sky, sinakmal ng Minnesota Lynx

BRADENTON, Fla. (AP)- Bumida sa panalo ng Minnesota Lynx sa Chicago Sky, 83-81  si Napheesa Collier sa pagbuslo ng 20 points sa new season ng WNBA.

Umiskor ng 10 sa last quarter si Collier at humablot ng 10 rebounds. Nag-ambag naman ng 14 si Damiris Dantas at Rachel Banham ng 13. Tumulong din si Sylvia Fowles sa pagbuslo ng 10 puntos at 7 rebounds sa Lynx (2-1).

Samantala, kumamada naman si Azura Stevens ng 16 points at 11 rebounds sa Sky (2-1). Nagdagdag naman si Cheyenne Parker ng 16 points at 10 boards.

Humabol ang Sky mula sa kalamangan ng Lynx sa pagrekta ng 10-3 run, 79-74. Naibuslo ni Stevens ang tres may 1:41 na lang sa huling kwarter at naibaba ang lamang sa 5 mula sa 12.

Naging krusyal ang laro at naibaba ang lamang sa 2. Ngunit, nakatakas ang Lynx nang magmintis ang 2 layups ni Courtney Vandersloot sa huling 7 seconds sa Sky.

Nais sanang mairekta ng Sky ang laro sa overtime ang 83-81 iskor. Ngunit, sumablay ang alley-oop ni Gabby Williams kasabay ng buzzer.