May 15, 2024

CHOCO MUCHO FLYING TITANS, NILIKIDA ANG STA. LUCIA LADY REALTORS

Nilikida ng Choco Mucho Flying Titans ang Sta. Lucia Lady Realtors sa PVL Open Conference. Ang laro ay idinaos sa PCV Socio-Civic & Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Di pinaporma ng Choco Mucho (75) ang Lady Realtors (59) sa 3 sets, 25-17, 25-22 at 25-20. Kaya naman, itinala ng Flying Titans ang 2-0 sa standings. Habang ang Sta.Lucia ay 1-3 na sa standings.

Bumida si Kat Tolentino sa panalo ng Choco Mucho. Nagtala ito ng 18 points. Nag-ambag naman si Ponggay Gaston ng 8 points at 8 attacks. Habang si Maddie Madayag naman ay 7 points.

Sa panig naman ng Lady Realtors, nagtala si Mika Reyes ng 9 points. Habang si Aiza Maizo-Pontillas naman ay bumira ng 8 points.

Malaking tulong sa pagkapanalo ng Choco Mucho ang kanilang blocking at floor defense. Gayundin ang 7 errors kumpara sa Sta. Lucia na nagtala ng 26 errors.

Sa kabuuan, may total 237 attempts ang Flying Titans. Habang ang Lady Realtors ay 238 attempts. Ang match-up ay tumagal ng 1 oras at 26 minuto.