May 13, 2024

Chief cook kulong sa panghahalay sa nene sa Navotas

SWAK sa loob ng rehas na bakal ang isang chief cook matapos ireklamo ng sekswal na pang-aabuso sa 11-anyos na nene na anak ng kanyang live-in partner sa Navotas City, kahapon ng tanghali.

Nahaharap sa kasong Statutory Rape ang suspek na kinilala sa alyas “Roger”, 30, Chief Cooked at Vicente Cruz, Manila.

 Sa ulat ng Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ng Navotas City Police kay NCPS chief P/Col. Allan Umipig, dakong alas-11:55 ng tanghali nang maganap ang sekswal na pang-aabuso ng suspek sa biktima na itinago sa pangalang “Sara” sa loob ng bahay sa Brgy. NBBS.

 Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na sapilitan  umanong “tinikman” ng suspek gamit ang kanyang dila at daliri ang maselang parte ng katawan ng biktima.

Matapos ang insidente, nagsumbong ang biktima sa kanyang ina na agad namang humingi ng tulong sa mga tauhan ng WCPD ng Navotas police.

Kaagad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan Kaunlaran Police Sub-Station sa ilalim ng pangangsiwa ni PCPT Mark Joseph Carpio na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. (JUVY LUCERO)