May 21, 2024

CENTENARIAN SA NAVOTAS NAKATANGGAP NG P10-K REGALO

Masayang binati ni Congressman John Rey Tiangco ng ika-100th kaarawan ang kanyang kababayan na si Dominga Santiago at iniabot niya ang P10,000 mula sa CSWDO na sana ay makatulong sa kanya at kanyang pamilya, “Tanging hiling ko sa Poong Maykapal ay panatiliin po kayong malakas at malusog sa mga darating pang mga araw at mga taon”, ani JRT. (JUVY LUCERO)

NAKATANGGAP ng cash na regalo mula sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Navotas ang isang centenarian na nagdiwang ng kanyang ika-100th kaarawan.

Personal na iniabot ni Congressman John Rey Tiangco ang P10,000 cash na regalo kay lola Dominga Santiago, kasama ang mga kinatawan ng CSWDO n asana ay makatulong sa kanya at kanyang pamilya.

“Tanging hiling ko sa Poong Maykapal ay panatiliin po kayong malakas at malusog sa mga darating pang mga araw at mga taon. Mga kapwa kong Navoteño, bigyan natin ng mainit na pagbati ang ating Centenarian celebrant!” ani Cong. JRT.

Aniya, may P100,000 din na matatanggap si Lola Dominga mula sa National government. Sana all, umabot din ng isang daang taon. “Kaya mag-face mask at mag social distancing para abutin natin ang edad na iyon”, paalala ng mambabatas.

Samantala, nagpaabot din ng pagbati si Mayor Toby Tiangco kay lola Dominga kung saan sinabi nito na nag natatanggap na cash na regalo para sa mga centenarian na residente ng lungsod ay nagsimula pa noong 2014 bilang pagkilala sa kanilang naging kontribusyon sa pag-unlad ng Navotas.

Bukod dito,  makakatanggap din si lola Dominga ng P500 NavoRegalo na isa sa mga programa ng Navotas para sa mga senior citizen na residente ng lungsod.