April 28, 2024

BUTLER, KINAPOS ANG GINAWANG TRIPLE-DOUBLE SA PAGLURAY NG RAPTORS SA HEAT

Hindi naging sapat ang ginawang triple-double ni Jimmy Butler sa Miami Heat. Niluray ng Toronto Raptors ang Heat sa triple overtime, 124-120. Bumida si Paskal Siakam sa panalo na naglista ng 21 points, 13 boards at 6 assists.


Pumoste naman si Gary Trent Jr ng 33 points at 5 rebounds. Samantala, bumira si Butler ng 37 points, 14 boards at 10 assists. Habang 14 points at 16 boards naman ang itinala ni Bam Adebayo.
Kapwa di bumitaw ang dalawang teams sa laro. Pukpukan ang labanan hanggang sa manaig an Raptors.

Sa iba pang laro, kuminang si Joel Embiid sa isang tough game. Binalibag ng Philadelphia 76ers ang Sacramento Kings, 103-101. Bumuslo si Embiid ng 36 points at 12 rebounds.