May 3, 2024

ANDREW WIGGINS, BUMIDA SA PAGTAGA NG WARRIORS SA NETS

Nanguna si Andrew Wiggins sa pagtaga ng Golden State Warriors sa Brooklyn Nets, 110-106. Nag step-up siya habang maalat ang shooting ng ‘Splash Brothers’. Bumira ang ‘Wide Lips’ ng 24 points, 8 boards at 3 steals.


Nag-ambag naman ng 19 points si Steph Curry at 16 points si Kaly Thompson. Sa panig naman ng Nets, bumuslo si Kyrie Irving ng 32 points at 7 assists.


Nagpalawal naman si Patty Mills ng 24 points at 4 rebounds. Sa iba pang laro, nagtuwang sina Jayson Tatum at Jaylen Brown sa isa na namag big win ng Boston Celtics. Pinilay ng Celtics ang New Orleans Pelicans, 107-97.


Nag-combine ang dalawa ng 69 points sa kabuuan. Nagtala si Tatum ng 38 points. Habang 31 points naman ang binira ni Brown.