Inamin ni House Speaker Bojie Dy na bumaba ang tiwala ng publiko sa House of Representatives, isang katotohanang aniya ay masakit tanggapin ngunit hindi maikakaila.
“Masakit mang tanggapin pero ito ang katotohanan. Talagang bumaba na ang tiwala ng taumbayan sa ating institusyon,” pahayag ni Dy.
Ayon sa Speaker, dapat magsilbing “wake-up call” ito para sa mga mambabatas upang pagbutihin ang kanilang trabaho at maibalik ang tiwala ng mga Pilipino sa Kongreso.
“Pero ito rin ay paalala na mas kailangan nating pagbutihin ang ating trabaho at ibalik ang tiwalang ito sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod,” dagdag niya.
Giit ni Dy, nananatiling tungkulin ng mga miyembro ng Kamara na maging huwaran ng integridad at pananagutan, lalo na sa harap ng mga isyung bumabalot sa politika at pamahalaan. (BOYET BARBA JR)
