December 24, 2024

BUHAY NA AHAS GINAWANG FACE MASK NG ISANG PASAHERO SA BUS


NAGBABALA ang UK transportation official sa mga commuters na huwag gumamit ng buhay na ahas bilang takip sa mukha.

Ito’y matapos mamataan ang isang pasahero na may nakapulupot na ahas sa ibabang bahagi ng kanyang mukha kung saan natatakpan nito ang kanyang bibig habang nakasakay sa isang bus sa Manchester, England noong Lunes.

Saad ng isa pang pasahero na nakasabay niya sa bus sa Manchester Evening News, inakala niya noong una na ang naturang ahas ay isa lamang funky mask , hanggang sa magsimula na itong gumapang sa handrails ng bus.

“It was definitely entertaining,” aniya.

Mandatory sa UK ang pagsusuot ng face mask sa pampublikong transportasyon, maliban sa mga taong exempted dahil sa kanilang edad, kalusugan o disability.

Kalat na sa online ang naturang mga larawan ng hindi pa nakikilalang lalaki kung saan ginawa nitong mask ang isang malaking kulay kayumanggi na serpant.

Ayon sa Transport Greater Manchester spokeperson sa CNN, dapat sumunod ang mga pasahero sa government guidance sa pagsusuot ng face mask sa pampublikong transportasyon lalo na’t may coronavirus pandemic na nagaganap, maliban na lamang kung exempted sila.

“This needn’t be a surgical mask … passengers can make their own or wear something suitable, such as a scarf or bandana,” ayon sa representative sa isang pahayag.

“While there is a small degree of interpretation that can be applied to this, we do not believe it extends to the use of snakeskin — especially when still attached to the snake.”