May 8, 2024

Ikinalat ni Jay Sonza: Julia Barreto buntis daw, si Gerald ang tatay?

MAY bagong pasabog na naman ang dating broadcaster na si Jay Sonza matapos ang naging pag-amin nito na buntis na ang Kapamilya actress na si Julia Barreto at ang aktor na si Gerald Anderson ang sinasabing tatay.

Sa kanyang Facebook account, binati ng dating ABS-CBN newscaster ang kanyang kapitbahay sa Congressional Village sa Quezon City.

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=3659772610708800&set=a.105028236183273&type=3

“Congratulations sa aking kapitbahay sa Congressional Village, Bahay Toro, Quezon City,” paglalahad ni Jay.

“Napatunayan nina Visoy (visayan tisoy) Gerald Anderson at anak nina Dennis Padilla at Marjorie na si Julia Barreto na kapuwa hindi sila baog,” dagdag pa nito.

Inamin pa ni Jay na nagdadalang-tao na si Julia habang umiiral ang lockdown.

“After months of love lockdown and ESQ (exact sex quadrant) – may nabuo sa sinapupunan ni Julia,” pag-aamin ni Jay.

“Nahinayak ang batang Dadiangas. nasiyot man jud oi. kapugngan pay tren, dili ang gugmang gauros uros tawon. Happy Monday po. Makikibalita ako kung kailan ang kasal sa aking neighbor,”  dagdag pa niya.

Bago ito, iniulat din ng iba’t ibang entertainment sites na madalas umanong makita si Julia sa beach house ni Gerald sa Zambales kamakailan lang. Ilan ding social media user ang umamin na palagi raw nilang nakikitang magkasama ang dalawa sa Zambales.

Hindi pa naglalabas ng pahayag sina Gerald at Julia sa naturang alegasyon.