May 5, 2024

BuCor nagsagawa ng programa para ipagdiwang International Women’s Day

Nagkaroon ng special program ang Bureau of Corrections (BuCor) na ginanap sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City bilang pakiisa sa International Women’s Day ngayong araw.

Dumalo sa nasabing sina BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. at Presidential Adviser on Muslim Affairs Sec. Almarim Tillah.

Ang naturang selebrasyon ay bilang paghahanda na rin sa paparating na Ramadan.

Binanggit ni Catapang ang kahalagahan ng pagkilala sa kontribusyon ng kababaihan sa lipunan at ipagdiwang ang kanilang mga nagawa sa pagsusulong ng gender equality.

Sinimulan ang isang buwang selebrasyon sa Bucor noong Marso 4 kung saan isinagawa ang celebratory mass, na sinundan ng medical mission at mga aktibidad tulad ng fun walk at Zumba.