May 18, 2024

Mavy Legaspi, solong nagbakasyon sa Japan

MASAYA na malungkot si Mavy Legaspi nang nilisan niya ang Pilipinas. Lumipad siya pa Japan, para magbakasyon doon.

Doon na niya ibubuhos ang kirot sa kanyang puso dahil tanggal na sa GMA 7, ang show niyang ‘Tahanang Pinakamasaya.’

“Doon na rin niya itatapon sa Japan iyong pakikipag-break niya kay  Kyline Alcantara, para sa muli niyang pag-uwi ng Pilipinas ay totally recover na siya at fresh ng muli.

“I-eenjoy talaga niya ang kanyang pagbabakasyon sa Japan, at pagbalik niya ng Pilipinas ay mag-pokus siya sa kanyang showbiz career,” salaysay pa ni Miss. Bubuwit na aking source.