May 18, 2024

ESTRELLA LAHBATI, ‘DI KONSINTIDOR SA MALING GAWA NG MGA ANAK

KAYA humantong sa hiwalayan kasi kontra na from the start ang biyenan ni Sarah Lahbati, sa halip na ayusin ginatungan pa at sa social media pa naglabas ng ikasisira ng mag-asawa.

Tama naman si Ms. Estrella Lahbati sa mga patama niya kay Richard Gutierrez, ang makontento pero hindi iyon ang nangyari.

Mas pinili ni actor na masira ang kanyang pamilya, sa halip na ayusin ang problema mas sinira pa niya ito.

Ang mga anak tuloy ang sobrang na-apektuhan sa hiwalayan nilang mag-asawa, hindi inisip ni Richard Gutierrez ang idudulot na trauma sa mga bata.

Ang nakakalungkot, siya pa mismo ang gumawa ng dahilan para masira lang ang kanyang sariling pamilya.