May 4, 2024

BROOKLYN NETS, PINULUTAN ANG MILWAUKEE BUCKS, 125-86 SA GAME 2 NG EAST SEMIS

Pinulutan ng Brooklyn Nets ang Milwaukee Bucks sa Game 2 ng Eastern Conference semifinals. Ipinakita ng Nets ang kanilang angas sa pagtambak sa Bucks, 125-86.

Isa itong blow-out win sa Brooklyn. Kung saan, itinala ang 39 point lead win na siyang pinakamataas na lamang sa NBA playoffs history.

Inakay ni Kevin Durant ang Nets sa paglista ng 32 points, 4 boards at 6 assists. Nag-ambag naman si Kyrie Irving ng 22 points, 5 boards at 6 assists.

Sa panig naman ng Milwaukee, bumuslo si Giannis Antetokounmpo ng 18 points, 11 boards at 4 assists. Habang si Khris Middleton naman ay kumana ng 17 points at 5 boards.

Dahil sa panalo, lamang na sa series ang Brooklyn na may advantage na 2-0 lead.

Muling magtatapat ang dalawa sa Game 3 sa Biyernes ( Manila time) sa balwarte ng Bucks.