PAPAYAGAN na bukas ng national government ang motorcycle backriding para sa mga couples, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.
“Yes, simula bukas ay papayagan na natin ‘yung back-riding para sa mga couples at ‘yung prototype model na [ibinigay] ni Governor Arthur Yap ay approved na ‘yan… ito ‘yung pinaka-prototype na gagamitin natin,” ito ang inanunsiyo ni Año sa isang radio interview.
“Para sa couple lang muna kasi tumataas ‘yung numero… pag couple iisang bahay lang ‘yan…” dagdag pa niya.
Iginiit nito na dapat ay naninirahan sila sa loob ng iisang bahay.
“Whether they are married or common-law husband and wife… boyfriend or girlfriend but they are living in the same household,” aniya.
Mayroon dapat barrier sa pagitan ng rider at pasahero maging ang pagsusuot ng face mask.
“Mayroon siyang barrier in between the rider and passenger pagkatapos mayroon din siyang handle at lalagpas hanggang ulo niya ‘yung barrier para siguradong walang laway na tatalsik,” paliwanag ni Año.
Nanawagan din si Año sa mga gustong magmungkahi ng disenyo para sa back-riding barriers sa motorsiklo na isumite ito sa concerned agencies.
“Pero ‘yung may mga designs at proposal, patuloy pa rin silang magsubmit sapagkat meron naman tayong TWG [technical working group] na sumusuri diyan…” saad ni Año.
Dagdag pa ni Año, na ipatutupad ang lahat ng ito sa lahat ng general community quarantine (GCQ) at modified general quarantine (MGCQ) areas.
“Yes, nationwide ‘yan… both GCQ and MGQC…” ani ni Año.
Samantala, iginiit din niya na hindi pinapayagan ng national ang back-riding sa electronic bikes.
Palagi niyang ipinapaalala sa publiko na palaging magdala ng ID sakaling sitahin sila ng mga law enforcer.
More Stories
PH KABILANG SA MAY MATAAS NA NEGLECTED TROPICAL DISEASES
5 CONSTRUCTION WORKERS NAKURYENTE 3 PATAY
Higit P.4M shabu, nasamsam sa HVI drug suspect sa Valenzuela