May 13, 2024

9 na PDL sa Pasay City Jail, nagpositibo sa COVID-19

INILIPAT sa isolation facilities sa Payatas, Quezon City ang siyam na persons deprived of liberty (PDL) ng Pasay City matapos magpositibo sa COVID-19 nang sumailalim sa isinagawang swab testing noong nakaraang Biyernes. Agad na nag-disinfect sa lugar ang mga kawani ng nasabing kulungan upang maagapan ang pagkalat ng nakamamatay na virus. (DANNY ECITO)