May 5, 2024

Brand new car, surprise gift ni volleyball star Alyssa Valdez sa kanyang mga magulang

Pinatunayan ni volleyball star Alyssa Valdez na siya ay isang mapagmahal na anak. Katunayan, sinorpresa niya ang kanyang mga magulang ng isang pambihirang regalo.

Sa kanyang latest video blog na naka-post sa Youtube, niregaluhan ni Valdez ng bagong kotse ang kanyang parents.

 “Sa buong time na nag-aaral ako, nasa Manila lang ako, lahat pino-provide ng parents,” wika ng tinaguring ‘ Phenom’.

So hopefully maging masaya sila sa ibibigay kong gift sa kanila.”

Nangyari ang sorpresa ay ikinasa sa tulong ng kanyang formet teammate sa Lady Eagles na si Bea De Leon. Sinet-up ng dalawa ang sorpresa sa isang farm.

Makikita sa video na sinabihan ni Valdez na magla-lunch sila ng farm. Pagkatapos mamasyal doon, inakay ni Valdez ang mga magulang sa parkling lot. Doon na niya bumulaga sa mga ito ang brand new car na kulay puti.

Ibinigay nito ang susi na ikinagalak naman ng kanyang mga magulang.

Bukod sa surprise sa kanyang parents, makikita rin sa vlog ni Valdez ang pag-aalaga ng kambing. Gayundin ng pagsakay sa kabayo.