May 18, 2024

Dedma sa mga bashers… ANGELINE QUINTO, PROUD NA RETOKE BEAUTY

NEVER na nagdeny itong si Angeline Quinto, kapag ang isyu ay pa tungkol sa kanyang pagpaparetoke. Kung iyong ibang mga celebrities ay super iwas, ibahin ninyo si Angeline dahil hindi niya ikinahihiya na retokada byuti siya.

“Bakit naman siya mahihiya kung dumaan sa sensiya ang ilang bahagi ng kanyang katawan, ginawa lamang niya iyon dahil kailangan sa kanyang showbiz career. Gusto niyang lagi siyang maganda at sexy, kapag humaharap siya sa kanyang mga followers dahil isa siyang actress at singer.

“Bakit parang big deal sa kanila? Ang nakakahiya ay iyong, inutang ni Angeline sa ibang tao ang pagpaparetoke niya. Pangit ang dating n’on, kaso hindi naman. May pera naman siyang pangretoke, kaya karapatan niyang gawin iyon. Iyong iba maka-bash wagas, pero dinededma na lang niya ang mga iyon dahil hindi naman makakatulong sa kanyang showbiz career bilang artista at isang singer.”

Kaya sana tumigil na mga bashers ni Angeline Quinto, dahil hindi naman siya naaapektuhan sa mga pangba-bash nila.