
Pinunit ng Boston Celtics ang Brooklyn Nets sa Game 2 ng NBA playoffs East Round 1, 114-107.
Nanguna sa opensa ng Celtics si Jaylen Brown sa pagbira ng 22 points. Kasama na rito ang 6 assists, 4 boards at 3 steals. Nag-ambag naman si Jayson Tatum ng 19 points, 10 assists at 6 boards.
Sa panig naman ng Nets, kumamada si Kevin Durant ng 27 points, 5 assists at 4 boards. Habang si Kyrie Irving naman ay bumuslo ng 10 points at 8 boards.
Sa umpisa ng laro ay umalagwa agad ang Nets sa pagbira ng 9-0 run. Ngunit, nakalapit ng Boston. Muling rumatsada ang Brooklyn at iniwan ang Celtics.
Inalagaan ng Nets ang double-digit lead. Subalit, nakahabol ang Boston sa 4th quarter. Pagsapit ng kalagitnaan ng quarter, lumamang na Celtics ng double-digit. Pinilit na humabol ng Nets, pero, nabigo sila. Lamang na sa 2-0 lead sa best-of-7 series ang Celtics.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT