May 18, 2024

BOGDANOVIC, BUMIDA SA PAGBALIBAG NG JAZZ SA 76ERS

Bumida si Bojan Bogdanovic sa pagbalibag ng Utah Jazz sa Philadelphia 76ers, 120-85. Sinamantala ng Jazz ang shorthanded na piyesa ng Sixers. Bumira si Bogdanovic ng 27 points, 6 rebounds at 2 assists.

Nag-ambag naman si Jordan Clarkson ng 20 points at 7 rebounds. Bumanat naman si Rudy Gobert ng 15 points, 17 boards at 4 blocks.

Sa panig naman ng Philadelphia, bumira si S. Milton ng 18 points. Kumana naman si T. Maxey ng 16 points at 4 rebounds. Habang si Tobias Harris naman ay gumawa ng 12 points, 4 boards at 5 assists.