Matapos ang matagal na pananahimik, tuluyan nang inamin ng aktres na si Bea Alonzo ang matagal nang usap-usapan: ang kanyang bagong pag-ibig ay si Vincent Co, ang presidente ng Puregold Price Club.
Sa GMA Gala na ginanap sa Marriott Hotel nitong weekend, diretsahang sinabi ni Bea sa panayam ng GMA News:
“Yes, he is (my boyfriend). But I like to keep things private.”
Bagama’t tikom pa rin ang aktres sa mga detalye, hindi na raw maikakaila ang saya at relasyon nilang dalawa.
“I think it’s very obvious that we’re together, and I’m happy. I think that is all I can share,” dagdag pa ni Bea.
Tinanong kung bakit ngayon lang siya nagsalita, ipinaliwanag ng Kapuso star na mas pinili niyang protektahan ang relasyon at irespeto si Vincent, na hindi kabilang sa mundo ng showbiz.
“I understand the curiosity,” ani Bea, “but I think the most beautiful things are the ones that are kept private.”
Si Vincent Co ay kilalang negosyante at isa sa pinakamakapangyarihang pangalan sa retail industry sa bansa.
Samantala, ang huling relasyon ni Bea ay kay Dominic Roque, na kanyang na-engaged noon. Ngunit nauwi sa hiwalayan ang kanilang engagement.
Ngayon, si Dominic ay masayang nakikita sa piling ng aktres na si Sue Ramirez.
Tahimik man sa detalye, malinaw na masaya si Bea sa bagong yugto ng kanyang buhay pag-ibig.
